May kinalolokohan akong radio station.. lagi akong nagttext dun, laging may Blog tungkol sa kanila..laging naririnig ang pangalan kong binabanggit dahil sa greetings na pinapadala ko. Nakarating na rin ako dun. Kasama ang mga bago kong kaibigan.Para akong naka-drugs na nakikinig sa kanila. At nang makarating ako dun, akala ko matitigil na ang kahibangan ko kasi tapos na ang excitement. Nakita ko na sila kaya di na ko ulit babalik. Pero gaya nga ng Acetone, nakakadik palang mag pabalik balik dun! Di ko namamalayan na nasasanay na ko sa linggo linggong pagpunta dun!

At habang nakikilala ko sila.. Lalo kong nagugustahan ang istasyon na hinangaan ko na noo’y dahil sa boses lamang.

Isa isahin ko kaya sila!?

Si Mama BeLLe.. ang small but terrible na mama!Di mo mahahalata sa kanyang mahilig sya sa kanin. di ko na sasabihin kung gaano ka dami kasi baka di na ko makabalik ng station nun.hehe peace mama!  Napaka Hospitable nyan! alok dito, alok doon.. stickers, calendars at wallets! Paborito nya din ang suka’ bilang sawsawan.

Si Ate Liza.. ang Mirriam Quiambao ng Brgy. ang ganda sa personal!   balingkinitan ang katawan..at makwento.(malamang dj kasi siya) ang lakas mang-TRIP! grabe!! Nalaman nya kasi kung sino ang Crush ko dun, tapos binubuking akoooo!!! hehe.. ang kulit! Pero okay lang.. masaya naman eh!

Si Papa Kiko.. Ang cute ng Dimples!!! ang gandang boses! live man o sa radio..nakaka inlab! hehe maasikaso din..naalala ko pa yung Dalandan juice. hahaha ang kulet.. ang kulet mangulet. hahaha biglang sumasayaw pag narinig si michael jackson! haha tapos cool na cool lang! ayos talaga!

Si Papa Bear.. Ang cute! si Papa Bear ang pinaka huggable sa kanilang lahat! superr!!!  He always demand for a massage. Kaso walang marunong samin eh. hehe pero marunong na ko mag massage ngayon! kaya pag nag request ulet sya, ttry ko sya i massage. Favorite nya yung “Pahamak” by the RCS. Sinayawan pa nga nya kami nung pinatugtog nya un eh! ang cute talaga!!

Si Papa Gio.. Ang tangkad! grabeh! ang Puti! ang Gwapoooo!!!  nakakatawa rin, kasi sa gwapo nyang yun, di mo akalaing babanat sya ng nakakamatay sa kakatawang  joke! (anuh daw!?) hehehe  basta! ang gwapoooo!!! mR.Dreamboy din!

Speaking of mr.Dreamboy, Si Papa Dan.. isa ring papable! ang gwapoooo!!! tapos ang kulet din mangulet! mahilig kumanta! sinasabayan lagi nya yung tugtog nya!kamusta naman ang Urbandub! hehehe at ang Kaleidoscope?? (tama ba spell!?) hehehe cute! makwento din about sa lablyf nya! kahit naman on air inilalabas nya ang feelings nya eh! hehe

Si Papa Dudut.. Ang kulet ng boses! kaya nyang baguhin yung boses nya! parang anime! saglit lang namin syang nakasama eh! tapos isang beses ko palang syang nakikita. kaya wala akong masyadong ma kwento tungkol sa kanya. Iyo lang masasabi ko. Tall, Dark and Handsome! So HOT!!

Si papa Tolits.. ang laking mama’ nito! ang laki ng boses! wala syang matinong piture na kasama kami! kahit sino! pero yung pic namin matino! kasi di na nya naihabol yung pose nya eh! hahaha kamusta naman ang voice over ng showbiz central!!! yeah boy! :)

syempre naman! i save the best for Last!

Si Papa Bodjie.. ang Pinaka mahalagang kaibigan sa buhay ng Lagalag Girls! Lahat naman ng Dj’s mahalaga samin. Sila ang dahilan ng pagkakaibigan namin. Pero kasi iba na ang pinagdaanan ng grupo namin kasama si papa bodjie.(may ganun!?)hehe  Ang SWEET nyan! napaka caRing! maasikaso! tapos makulet! ayos mang trip! Nasasakyan nya nga yung mga trip ng grupo namin eh! marami na rin syang alam tungkol samin. He appreciates every little thing we do. Parang tatay namin na walang sawang nag papaalala.. deLikado nga lang kapag may SUMPONG!! hehe pero lablab namin yan! mwaahh!

lahat Sila mahalaga sa mga puso namin!

Ang dahilan ng aming pagkakabuo!

dahilan ng pag sasasama sama.

at dahilan ng pagiging masaya!

Kilala mo na papa mo diba!?

AYOS talaga! :)

Post a Comment

*
*