kapag Valentines..nagkalat ang mga puso..mga kartolinang naka sabit sa ceiling at hugis puso.

Nagkalat din ang mga binatang may hawak ng Roses at Teddy bear. mga babaeng nagtitilian dahil sa kakiligan! Di natin alam kung sino ang nagbigay sa kanila nito pero isa lang ang tinitiyak ko. Boyfriend nila ang nagbigay nun! harhar..parang ganun na nga rin yun!

Maraming mag syota sa park, marami din naman sa restaurant. Pero mas marami sa “lover’s hide away”. kung nanuod kayo ng “one night only” malalaman nyo kung ano yun. kulay pink ang mga pader at karaniwan sa timog.May babaeng naka abaniko at naka kimono.alam mo na?haha

Masaya ang Valentines sa may mga partner.. parang mga Love Birds. nagkalat sila sa mundo kapag ganitong mga okasyon. magkahawak kamay, nagyayakapan, nag kikiss, nagbibigayan ng regalo, at lahat na ng pwedeng ibigay yun na yon!

Eh anu naman ba ang VALENTINES para sa mga taong SINGLE? malamig ba na parang pasko? at malungkot na parang Semana santa? wala bang buhay na parang november one? o parang enjoy like bertdey?

Ang valentines, di lang naman mag kakapareha ang nakakaramdam nyan. pwedeng maramdaman din yan ng walang boypren o gelpren. simple lang!

1.wala kang boypren o girlpren. edi lumabas kasama ang kaibigan mung kapwa single! ang pagkakaibigan ay nabablutan din ng pagmamahalan. kaya okey lang lumabas sa Valentines kasama ang kaibigan.

2.mag-chat nalang kung may internet sa bahay. Di ka na napagod kakabyahe at kakalakad napalipas mu pa ang buong araw ng di nalulungkot dahil walang ka-date! batiin ang lahat ng tao na naka add sa account mo para malamn nilang may isang single dito sa mundong nakaalala sa kanila.

3.kumain ng kumain hanggang magsawa ka na kakakain! di ko alam bakit yun ang naisip ko sabihin.pero masarap naman kumain diba! pudtrip!

4.matulog nalang at managinip na kunwari may ka date. Atleast sa panaginip mo, may kahawak kamay at ka kissing scene ka. kahit sa panaginip lang naging masaya valentines mo.

5.ang huli sa lahat pero pinaka mabisa, mag-BLOG! Tulad ng ginagawa ko, para sa ganitong paraan, maipahiwatig natin ang saloobin ng isang taong single. Enjoy pa rin ang buhay at pebrero ko kahit walang partner.

Sinong may sabing wala akong kayakap? may mga kaibigan akong babae na kahit anong oras pwede akong yakapin! sinong may sabing walang lugar sa mundo ko ang Roses? pwede namang bumili nalang ako para sa sarili ko! mas marami pa kesa sa binibigay ng Boypren mo! at teddy bear? bibili ako ng mas malaki pa sakin! hahahaha

kaylangan lang ng positibong pananaw sa buhay at epektibong paniniwala.

Ang pebrero ay para sa lahat! ang valentines ay para sa lahat..single man o couple. ang mahalaga.

alam mo kung anong petsa na! hahahahaha

ayos gyud! :)

Post a Comment

*
*